Kabanata 82
Kabanata 82
Hinawakan ni Madeline ang kanyang masakit na kanang pisngi. Naguguluhan siya.
"Madeline, napakasama mong babae! Bruha ka!" Sigaw ni Eloise nang ituro niya ang ilong ni Madeline.
Hindi maunawaan ni Madeline kung bakit ang sama ng pakiramdam niya nang makita niya ang
tumatagos na titig ni Eloise.
*Mrs. Montgomery, bakit mo ako sinampal?" Sinubukan ni Madeline na manatiling kalma ngunit ang
lakas ng tibok ng puso niya.
"May kapal ka pa ng mukha na tanungin ako kung bakit?" Galit na tinuro ni Eloise si Madeline. "Dinakip
mo ang apo ko kasama ang isang tao at inapi mo ang pinakamamahal kong anak na si Meredith!
Ngayon pinapakampi mo pa sa iyo ang isa pang lalaki. Pinadalhan niya si Mer ng isang sulat mula sa
abogado at sinabing sinadya niya daw na buhusan ng mainit na kape ang isang tao!"
Nang sabihin niya ito, galit niyang ibinato ang sulat sa mukha ni Madeline.
"Madeline, isa kang napakasamang babae! Salamat sa Diyos at maagang namatay ang magulang mo.
Kung hindi, mamamatay sila sa kahihiyan! Kung anak kita, pinalayas na kita sa pamilya ko!"
Nang marinig niyang sinisigawan siya ni Eloise, bawat salita nito ay tumarak sa kanyang puso na
parang mga bubog.
Naunawaan na niya. Pumunta si Eloise dito para magreklamo para sa kanyang pinakamamahal na
anak na si Meredith.
Heh.
Napakagaling na ina. Di niya alam ang katotohanan at kung ano ba talaga ang nangyari. Subalit, laging
paniniwalaan ng mga nanay ang kanilang mga anak dibs?
Naramdaman ni Madeline ang luha sa sulok ng kanyang mga mata. Pakiramdam niya na ang kanyang
puso ay hinawakan ng isang di nakikitang kamay. Sobrang sama ng pakiramdam niya na nasasaktan
siya sa kanyang oaghinga.
"Madeline, binabalaan kita, huwag kang umasa na kaya mong gawin ang kahit na ano dahil lang may
umaalalay sayo! Dodoblehin ko ang ginawa mo kay Mer at sa apo ko!"
Dinuro ni Eloise si Madeline habang binalaan niya ito. Pagkatapos ay tumalikod siya habang nagdidilim
ang kanyang mukha.
"Akala ko nagkataon lang na pareho sila ng pangalan, pero di ko inakalang siya pala ang Madeline
Crawford na yun "
"Siya yung nang-agaw ng boyfriend at dahilan kaya nakunan ang kanyang kapatid."
"Tch, magtatrabaho na tayo kasama ang ganung tao mula ngayon?"
Naririnig ni Madeline na pinag-uusapan siya ng mga katrabaho niya. Tumayo siya sa pinto ng opisino.
Sa sobrang hiya niya di niya alam kung saan na siya pupunta.
Bakit ba ang hirap ng buhay niya?
Pagod na pagod na siya.
Gusto niya rin magkaroon ng magulang na masasandalan niya tuwing siya ay malungkot at
nanghihina.
Subalit, bukod sa kanyang karamdaman at masamang reputasyon, wala na siyang iba pa.
Tahimik na tumulo ang mga luha sa kanyang pisngi nang yumuko siya para damputin ang sulat. Hindi
niya inasahang talagang kakasuhan ni Felipe si Meredith.
Ayos lang. Talagang inatake niya ang mga ito. Walang ginawang masama si Felipe.
… This belongs © NôvelDra/ma.Org.
Ang kagandahang-loob ay di napapansin, pero ang isang eskandalo ay mabilis na kumakalat.
Parang kalokohan si Madeline nitong buong maghapon. Laging pumupunta ang mga tao mula sa ibang
departamento para tignan siya. Gusto nilang makita ang itsura ng masahol na magnanakaw na ito.
Pakiramdam ni Madeline na di na siya magkakaroon ng pagkakataong makasama sa proyekto ni
Elizabeth dahil ayaw na siyang pagkatiwalaan ng lahat. Subalit, matuwid na sinabi ni Elizabeth, "Ang
lahat ng tao ay nagkakamali. Ayos lang kung may balak kang magbago. Napakahalaga ng proyektong
ito kaya kailangan magtulungan ng lahat."
Sinadya niyang lumapit sa tabi ni Madeline at pinalakas ang loob nito. "Madeline, gawin mo ang
makakaya mo. Huwag mo akong bibiguin."
Kahit na nagtataka si Madeline sa biglang pagbabago ng pakikitungo ni Elizabeth sa kanya, pagdating
sa trabaho, di siya nagpapabaya.
Bahagya ding nagbago ang ugali sa kanya ng mga katrabaho niya. Alam ni Madeline na ginagawa
lamang nila ito para sa kapakanan ni Elizabeth. Subalit, kahit ano pa man ito, tuloy lang ang buhay at
kailangan niyang magseryoso sa trabaho. Bukod pa rito, gusto ni Madeline ang trabaho niya.
Oras na para umuwi mula sa trabaho at nagsimulang mag-impake ang kanyang mga katrabaho.
Uminom ng tubig si Madeline at nagpatuloy sa pagtatrabaho.
Lumabas ng opisina si Elizabeth at nakitang nandoon pa rin si Madeline. "Di ka uuwi?"
Itinaas ni Madeline ang kanyang ulo. "Gusto kong tapusin ang draft para sa pulseras."
"Pwede mo yang tapusin sa bahay. Walang kwenta ang magpanggap na nagsisikap dito," galit na
sinabi ni Elizabeth at umirap ito.