Kabanata 14
Kabanata 14
Kabanata 14 Sa mata ni Avery, ang mukha ni Elliot ay naging demonyo.
“Bakit?” Bitter na tanong niya. “Kahit na ayaw mong magkaanak, hindi mo naman kailangan magsabi ng masasamang words!”
Cold ang mga mata ni Elliot habang sinasabi, “Paano kapag sinubukan mo kasi di ko kinlaro ang sarili ko?”
Huminga ng malalim si Avery at umiwas ng tingin.
Natatakot siya.
Nacurious si Elliot sa reaction niyo.
Ngumiti siya habang nang-aasar, “Hindi mo naman iniisip na ipagbubuntis mo ang anak ko, hindi ba?”
Sinamaan siya ng tingin ni Avery.
“I suggest na seryosohin mo ang warning ko. Kilala mo naman ako. Mas malala ang actions ko kaysa sa words ko. Huwag mo akong subukan kung gusto mo mabuhay,” sabi ni Elliot at pagkatapos, tumingin sa labas.
Napakuyom ng kamao si Avery at sinabi, “Huwag kang mag-alala, kailanman ay hindi kita bibigyan ng anak. Alam mo namang kinamumuhian kita. Ang pinakamabilis ngayon gawin ay divorce!”
Hindi lang sa kanya ang baby.
Kapag nanganak siya, gagawin niya ito para sa sarili niya.
Kapag lumaki ang bata, sasabihin niya na patay na ang tatay nito!
“Hindi pa ngayon ang oras. Pag-uusapan natin ulit ito kapag ayos na ang nanay ko,” sabi ni Elliot.
Mas kalmado ang tono nito ngayon. Siguro ay effective ang mga sinabi niya.
Narealize niya na hindi ito ang gusto niyang lalaki.
“Kung ganon, basta’t huwag mo na itong pahabain,” sabi ni Avery.
Nagsalubong ang mga kilay niya at medyo nag-aalala.
Magsisimula na magpakita ang signs na buntis na siya kapag pinatagal pa nila.
Hindi na niya ito maitatago, at paniguradong mapapalaglag ang bata.
“Masyado kang nagmamadali na makipaghiwalay sakin. May kailangan ka ba gawin?” Tanong ni Elliot, sinusubukan na hulihin siya.
Biglang tumalbog ang puso niya.
“Hindi! Wala namang urgent. Sadyang… ayoko na makasama ka. Wala pa bang nakakapagsabi sayo na sobrang suffocating manatili sa tabi mo?”
“Hindi sila maglalakas loob na sabihin ito kahit naisip na nila ito,” dry na sagot ni Elliot.
“Oh… hindi na nakakapagtaka na ayaw mo sakin.” Nakangusong sabi ni Avery. “Pero nakakasuffocate na hindi ko masabi ang gusto ko.”
Nag-isip si Elliot at inisip na mali ang pagkakaintindi nito sa huli.
“Walang lalaki ang kayang makita ang asawa niya na nakasuot ng parang prostitute para i-escort ang ibang lalaki.”
“Prostitute na agad kapag nakaslip dress? Ang pakikipagsocialize sa lalaki ay escort na? Paano naman kayong mga lalaki na nakikipagsocialize?” Sagot ni Avery. “Kahit na tusukan mo pa ako ng kutsilyo ngayon, sasabihin ko pa rin na wala akong mali kagabi.”
Para bang galing sila sa magkaibang planeta.
Maliban sa parehas silang tao, sobrang opposite nila sa lhat.
Ngumiti ito ng nakakatakot.
Isiniksik ni Avery ang sarili sa corner out of instinct.
“Hindi ako umiinom kaya paanong iinom ako kasama ng iba. Hindi ako iinom kahit na bumagsak ang langit.”
Kailanman ay hindi niya iniisip na pabayaan lang ang nga bata sa tiyan niya.
Kahit na bankrupt na ang company ng tatay niya, hindi niya ibebenta ang katawan niya para sa pera.
Ang sagot ni Avery ay napaalis ang galit ni Elliot.
Nakarating na sila sa mansion ni Elliot.
Lumabas kaagad si Avery pagkatigil ng kotse na para bang natakas ito.
Pinanuod ni Elliot ang mapayat niyong likod t sinabi sa driver, “Sa office.”
…
Nakahinga ng maluwag si Avery pagkakita sa umalis na kotse.
Pagkatapos niya magnap sa tanghali, dumating siya sa Tate Industries ng mga 2:30 pm
Napagdesisyunan niyang ibenta ang mga assets ng tatay niya para bayaran ang utang.
Gusto niya ipakita na kaya niyang magbayad bago maghanap ng investors.
Wala na agad ang mga bangko.
Naoffend niya ang mga managers ng River City Bank at Silver Linings Bank kagabi. Ang dalawa ay malinaw sa hindi pagpapautang sa kanya.
“Huwag mong sisihin ang sarili mo, Avery. Kung uminom ka kagabi, paniguradong sosobra sila sa gagawin sayo,” sabi ni Shaun. “Hindi ka ganung babae, at hindi kita pepwersahin na gumawa ng ganun.”
Tumango si Avery at sinabi, “Hindi ko pa rin naman ito gagawin kahit pwersahin nila ako.”
Namula si Shaun habang tumatango.
“Inayos ko na ang list ng mga iilang kilala sa Avonsville. Lahat sila ay kayang magbigay ng pera para isalba ang company natin. Kailangan mo lang kumbinsihin ang isa sa kanila, at masasagip na tayo.”
Kinuha ni Avery ang list at mabilis na tiningnan ito.
Sa list ay may mga pangalan, genders, company names, current net worth at contact information.
Ang ilan sa kanila ay may phone numbers, habang ang iba ay wala.
“Paano ko tatawagan ang iba na walang contact information?” Tanong ni Avery.
“Ang mga walang contact information ay ang mga hindi ko mahagilap. Kailangan natin sila kitain mismo sa mga company nila,” sagot ni Shaun.
Tiningnan ulit ni Avery ang list.
Ang pangalawang pangalan dito ay is “Elliot Foster.”
Elliot Foster, male. Sterling Grouo, net worth over 15 billion.
Contact information: none
Namula si Avery, “Ganun kayaman si Elliot Foster?”
Kinuha niya ang baso ng tubig sa table at uminom para itago ang anxiety niya.
“Safe estimate lang yan. Ang net worth niya ay mas mataas pa dyan,” siguradong sagot ni Shaun. “Siya ang bumuo ng Sterling Group nung pasimula palang ang internet. Kaya kung gaano kasikat ang
internet ngayon, ganun siya kayaman.” NôvelDrama.Org is the owner.
“Okay…”
“Sayang nga lang at wala akong mahanap na contact niya. Kailangan mo pumunta sa Sterling Group para makita siya. Sasamahan kita kapag Napagdesisyunan mong makipagkita sa kanya.”
Umiling si Avery at sinabi,”Hindi ko siya kikitain”
Kinuha niya ang pen niya at nilagyan ng cross ang pangalan ni Elliot.
Kailanman ay hindi siya paphiramin nito. Kapag nangutang siya dito, papahiyain lang siya nito.
Dumaan si Avery sa drugstore pauwi.
Bibili siya ng ointment para sa pasa niya.
Pagkatapos magrekomenda ng pharmacist ng mga products sa kanya, bigla siyang nagtanong.
“Safe ba ito gamitin sa buntis?”
“Mas okay na iwasan ito. Buntis ka ba?” Tanong ng pharmacist.
Tumango si Avery.
Kaagad ibinalik ng pharmacist ang mga products bago ipasa sa kanya ang bote ng pills.
“Gaano na ito katagal? Hindi pa nagpapanuta ang bump mo, pero ngayon ang magandang time para uminom ng calcium supplements. Ito ay maganda. Lagi ito nirerecommend ng mga doctor sa mga buntis!”
Umuwi si Avery dala ang calcium supplements mga kalahating oras ang lumipas.
Lagpas dinner na pero nag-iwan pa rin si Mrs. Cooper ng pagkain para sa kanya.
“Anong binili mo, Madam?” Tanong ni Mrs. Cooper pagkakita sa drugstore logo na bag na hawak ni Avery.
Itinago ni Avery ito sa likod at sinabi, “Para sa pasa ko.”
“Meron tayo para dyan dito sa bahay. Maraming comkon na mga gamot dito. Ipaalam mo lang sakin kung may kailangan ka, kukunin ko ito para sayo,” nakangiting sabi ni Mrs. Cooper.
“Sige, aakyat na ako,” sabi ni Avery at pagkatapos pumasok sa kwarto niya.
Nagulat siy dahil nagkasalubong sila ni Elliot.
Nakita niya ang laman ng bag na tinatago ni Avery.
“Bakit ka nagsinungaling?” Nakatingin ito sa calcium tablets.